3 patay, 1 sugatan sa nag-amok

TATLO katao ang patay habang isa pa ang sutagan matapos na mag-amok ang isang lasing na lalaki kagabi (Enero 3) sa Tondo, Maynila.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Ronald Cruz, isang messenger ng Philippine Reclamation Authority.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Gina, asawa ng suspek, ang biyenan nito at hipag na si Loreta Bentorin.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Gerardo Rivera, imbestigador ng Manila Police District (MPD) homicide section, nagalit umano ang suspek nang manghingi ito ng pulutan para sa kanilang inuman ngunit hindi ito napagbigyan.

Dahil dito nag-amok ang suspek at pinagbabaril ang kanyang mga kaanak kung saan pawang mga ulo ang tama ng baril sa mga biktima.

Sugatan naman ang isang miyembro ng US marine na kasintahan ng hipag ng suspek.

Nakarekober ang MPD ng apat na basyo ng 9mm na baril sa pinangyarihan ng krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply