3 patay, 1 sugatan sa Taguig City massacre

NAPATAY ang tatlong mag-anak samantala isa ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng isang selosong live-in partner Martes ng gabi (Enero 24) sa Taguig City.

Ang mga napatay na biktima ay kinilalang sina Flordeliza Rafales, 53, at dalawang anak nito na sina Godofredo at Norberto, pawang residente ng Block 112, Lot 10 Phase 6 Sitio Imelda, Upper Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Samantala isa sa biktima na kinilalang si Miraflor Rafales, 20, residente ng Magsaysay St., Signal Village ay nasa malubhang kalagayan at inilipat na sa Philippine General Hospital bunga ng tama ng bala ng kalibre .45 sa mukha.

Sa kasalukuyan ang suspek na kinilalang si Mark Kapurgos, 23, live-in partner ni Miraflor ay pinaghahanap na ng awtoridad para papanagutin sa ginawang pagpaslang sa mag-iinang Rafales.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong 11:00 Martes ng gabi (Enero 24) sa bahay ng pamilya Rafales nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang live-in partenr na si Miraflor.

Nabatid na nais nang makipaghiwalay si Miraflor sa supek dahil sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan.

Dahil tumangging makipaghiwalay ang suspek, kinuha umano nito ang baril at binaril ang kanyang live-in partner. Tinagka umanong awatin ng mag-iina ang suspek, pero sila umano ang pinagbalingan nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply