3 patay, 4 kritikal sa sumabog na dinamita

NAMATAY ang mag-asawa at panganay na anak samantalang apat pa ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang isang dinamita na ginagamit sa pangingisda kaninang madaling-araw. sa Purok 4, Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.

Nauwi sa malagim na trahedya ang pag-aaway ng mag-asawang Badjao kaninang madaling-araw sa loob mismo ng kanilang pamamahay sa Purok 4, Barangay Rio Hondo sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat ni Zamboanga City PNP Provincial director S/Supt. Edwin de Ocampo, nag-aaway ang mag-asawang Japnuka at Agsali Subbani dahil gusto na umanong hiwalayan ng una ang huli dahil sa matinding problema ng kanilang pamilya.

Habang nagtatalo ang mga ito ay kinuha umano ni Agsali ang isang dinamita at sinindihan na naging dahilan upang sumabog.

Patay ang mag-asawa pati na ang panganay na anak na si Pansidal Agsali na umano’y umawat sa kaniyang ama.

Malubhang nasugatan din sa pagsabog ang apat pang anak ng mag-asawa na kinilalang sina Pasig, Puja, Goa-Goa at Singa Agsali na kasalukuyang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply