3 Pinoy sa US tiklo sa pagbebenta ng armas

TATLONG Pinoy ang inaresto sa Estados Unidos matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na armas.

Base sa ulat, ang mga naarestong Pilipino ay nakilalang sina Sergio Santiago de Leon Syjuco, 25 ng Muntinlupa; Cesar Paolo Inciong Ubaldo, 26, ng Parañaque at Arjyl Revereza, 26.

Ang tatlo ay lumabag sa umiiral na arms import laws sa Estados Unidos kung saan inaresto sila noong Enero 5, 2012.

Ayon sa US Department of Justice at FBI special agent Dennis Lao, sangkot ang tatlo sa pagbebenta ng grenade launcher, mortar launcher, rocket propelled grenade (RPG) at iba pang armas sa isang undercover agent ng walang pahintulot.

Kabilang din ang grupo ng mga suspek sa sinusubaybayan simula pa taong 2010 ng Federal Bureau of Investigation sa Asya dahil sa mga operasyong may kinalaman sa pagbebenta ng mga iligal na armas.

Maaari namang makulong ng 20 taon ang 3 Pinoy kapag napatunayan sa kasong ibinibintang laban sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply