3 salvage victim natagpuan sa Quezon City

TATLO pang biktima ng summary execution ang natagpuan sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon kay SPO1 Renato Santos desk officer ng Quezon City Police Distrit station 1 Laloma, unang natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa kanto ng Panulturan at Biak Na Bato St., Barangay Manresa ng lungsod, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ang biktima ay may tattoo sa kanang binti na “Sigue Sigue Commando Gang.”

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan naman ang ikalawang bangkay sa kahabaan ng Maria Clara at Bulusan sts., Brgy. San Isidro Labrador, ng nasabi ring lungsod na may tama ng pako sa ulo at may tattoo na “Melanie” sa likod.

Ang ikatlong biktima ay natagpuan sa kahabaan ng Bulusan St.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kaugnayan ang tatlong biktima sa dalawa pang salvage victim na natagpuan naman sa may NS Amoranto St., A. Bonifacio, malapit sa North Cemetery kahapon (Enero 23).

Ayon sa pulisya binigti ang mga biktima na naging dahilan ng kamatayan ng mga ito.

Nagsasagawa na rin ng follow up operation ang pulisya para makilala ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply