3 suspek sa Ramgen murder case naghain ng not guilty plea

NAGHAIN ngayon ng not guilty plea sa korte ang tatlong suspek sa pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla at pagbaril sa kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Binasahan ng sakdal ngayong umaga sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) sina Glaiza Visda, Norwin dela Cruz at Ryan Pastera sa kasong murder at frustrated murder.

Itinakda ng korte ang pre-trial ng kaso sa Marso 1.

Binawi naman ni Atty. Melinda Salcedo ang nauna nilang mosyon na ilagay si Pastera sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kumpiyansa na sila sa pangangalaga ng Parañaque City Jail.

Naghain naman ng mosyon ang prosekyusyon na gawing lingguhan ang pagdinig ng kaso simula Marso 1 upang mapabilis ang pagkamit ng hustisya sa mga biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply