30 bahay naabo sa Kyusi

NASA 30 bahay ang naabo sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Bahay Toro, Quezon City Huwebes ng hapon, batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Fire Officer 1 Rean Recato, radio operator ng BFP-Q.C tinupok ng apoy ang residential at squatter area sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Q.C. dakong 2:00 ng hapon kanina.

Ang sunog ay umabot sa ika-limang alarma at ganap na nakontrol dakong 3:30 ng hapon.

Nabatid sa ulat na nahirapan ang mga pamatay sunog na pasukin agad ang nasusunog na kabahayan dahil sa maliliit na iskinita lamang ang mga kalye sa lugar.

Walang iniulat na namatay o nasugatan sa naturang sunog na tumagal din ng isa’t kalahating oras.

Inaalam pa ng arson investigator ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply