300 kilo ng frozen meat nakumpiska

TINATAYANG aabot sa 300 kilo ng frozen meat ang kinumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Balintawak Market kaninang madaling-araw.

SA ginawang pagsusuri, may tubig na ang tray na pinaglagyan ng mga kalakal na karne mula ito sa nalusaw na yelo dahil frozen ang
ibinebentang karne.

Batay sa pahayag ni NMIS, ito umano ang delikado sa kalusugan ng publiko dahil may taglay na itong bacteria.

Ayon kay Romeo Cortes, meat inspector ng NMIS, ang nalusaw na yelo ang kumukuha ng bacteria na nakakasama sa kalusugan.

Dapat umanong lagyan ng grade 1 cellophane at nasa 10 degrees Celsius hanggang sa makarating sa mamimili.

Mahigit 10 meat inspectors ang sumuyod sa palengke ng Balintawak at mabusisi nilang kinumpiska ang mga karneng mali ang paraan ng
pagbebenta.

Uulitin-ulitin umano nila ito hanggang sa magtanda na ang mga nagtitinda.

Dadalhin sa rendering section ng opisina ang mga nakumpiskang karne. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply