300 kilong ‘mishandled’ meat nasamsam

NASAMSAM ng awtoridad ang may mahigit na 300 kilos ng “mishandled” meat at meat products sa isinagawang inspeksyon sa Las Piñas at Parañaque City kaninang umaga.

Nabatid sa National Meat Inspection Service (NMIS) na nakasamsam sila ng 300 kilos ng “mishandled” at “undocumented” frozen meat sa Lozada Market sa Alabang Zapote Road.

Base sa ulat ng Unang Balita, sinabi rin ng NMIS sa may-ari ng tindahan na si Chato Sanchez na ang naka-display na frozen meat ay hindi nakamit ang safety standards dahilan upang ipagbawal itong itinda.

Sinabi pa ng mga awtoridad na ang mga karne ay kinakailangang nakatago sa freezer na may kontroladong temperatura na may 10 degrees Celsius.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply