300 miyembro ng US Navy nakadaong sa Cebu

NAKADAONG ngayon sa karagatan ng Talisay City Cebu ang 300 US Navy personnel sakay ng isang warship.

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of teh Philippines (AFP) Central Command na si Lt. Col. Christopher Tampus, ang mga US Navy personnel ay nasa Cebu ngayon bilang bahagi ng kanilang “rest and recreation” at refueling.

Nilinaw ni Tampus na walang magaganap na tactical operation at military exercise sa ilang araw na pamamalagi ng mga US Navy personnel sa Cebu.

Ang mga US Navy personnel ay bababa sa barko sa araw ngunit kailangan silang bumalik sa barko pagdating ng gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply