3,000 pamilya sa ComVal sapilitang ililikas

IPINA-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang agaran at sapilitang pagpapalikas sa may 3,000 pamilya sa Compostela Valley matapos ang pagguho na naganap sa Napnapan sa bayan ng Pantukan na ikinasawi ng 25 katao, pagkasugat ng 16 at pagkakawala ng 150 iba pa.

Ayon kay Robredo, sa ayaw at sa gusto ng mga tao na naninirahan sa Compostela Valley ay isasara na ito upang hindi na tirhan maging ang mga minahan doon ligal man o iligal.

Sa loob ng dalawang linggo ay ipinagigiba na ang mga kabahayan dito at ipinasasara ang mga tunnel na ginagamit ng mga minahan.

Ipinalilista ni Robredo sa lokal na pamahalaan ang mga pamilyang ililikas upang mabigyan ng agapay ng pamahalaan at ang iba naman ay isasailalim sa balik-probinsya na programa ng gobyerno.

Sinisi rin ng kalihim ang mga lokal na opisyal ng Compostela Valley sa kawalang lakas sa pagpapatupad ng mga direktiba mula sa mga ahensya na ilikas na ang mga nakatira rito

at hinto na ang pagmimina sa bundok  upang maiwasan na ang mga landslide. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply