30,000 tonelada ng bigas ibibigay ng Taiwan sa ‘Sendong’ victims

INIHAYAG ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na nakatakdang dumating sa bansa ang mahigit 30,000 tonelada ng bigas mula sa Taiwan bilang donasyon ng Taiwan Economic and Cultural Center (TECO) sa biktima ng bagyong “Sendong.”

Sa ginanap na Kapihan sa Senado ngayong araw, sinabi ni Pimentel na tinugon ng TECO ang panawagan ng pamahalaan sa kalapit na bansa na tulungan ang ating kababayan na lubhang sinalanta ng bagyong Sendong.

Ngayong araw, pinangunahan ni Pimentel ang pag-iimpake ng ilang relief goods at materyales na ibinahagi ng empleyado at opisyal ng Senado upang tulungan ang biktima ng bagyong Sendong.

Bago mag-Pasko nitong 2011, lubhang sinalanta ng bagyong Sendong ang lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan na umabot sa mahigit isang libong katao ang namatay, daang libong pamilya ang nawalan ng tahansan at hanapbuhay at bilyong halaga ng ari-arian, agrikultura at imprastruktura kabilang ang silid-aralan ang winasak ng bagyo.

Kasunod nito, tiniyak ni Pimentel na ipatatawag ang lahat ng kinauukulang opisyal ng gobyerno kabilang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na responsible sa pangangalaga ng kapaligiran upang magbigay-linaw sa nangyaring kalamidad sa naturang lungsod sanhi ng walang patumanggang illegal logging sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply