34 gagawing DH sa Malaysia nailigtas sa Tawi-Tawi

TINATAYANG 34 na ipupuslit sana sa Sabah, Malaysia para magtrabaho bilang mga domestic helper ang nailigtas ng mga mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at ng Inter-Agency Task Force Against Trafficking sa Bongao, Tawi-Tawi.

aNabatid na galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga na-rescue nila na unang dinala sa Zamboanga City sa kagustuhang makapagtrabaho sa abroad.

Ilalagay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Zamboanga City ang mga na-rescue para mapangaralan na dumaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para maging ligal ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply