38 inmates pinalaya mula sa NBP

AABOT sa 38 inmates mula sa New Bilibid Prisons (NBP) ang pinalaya kahapon (Enero 27) kasabay ng launching ng Bureau of Corrections (Bucor) ng kanilang road map para sa 2022.

Ayon kay Susan Ortega ng tanggapan ng NBP director, sa 38 inmates, 34 sa kanila ay nabigyan ng parole at apat ang nagtapos na ang sentensiya na ipinataw sa kanila.

Hindi naman binanggit ang pangalan ng mga ito dahil sa kahilingan ng kanilang mga kaanak.

Umaasa naman ang mga kaanak ng Abadilla 5 o mga akusado sa pagpatay kay Col. Rolando Abadilla na makakasama na ang kanilang mga kaanak sa mga susunod na pagpapalaya ng mga bilanggo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply