4 hijacker dedo sa Batangas shootout

NAPATAY ng awtoridad ang apat na hinihinalang hijacker makaraang makipagpalitan ng putok kaninang madaling-araw sa bahagi ng Sto. Tomas, Batangas.

Batay sa ulat, sapilitang hinarang ng mga suspek ang isang sasakyan na nagde-deliver ng produktong processed meat at sapilitang kinuha ang sasakyan sa bahagi ng Calamba, Laguna.

Dalawa sa mga pahinante ang pinababa at dalawa sa mga suspek ang sumakay sa isang Starex at umantabay sa hinay-jack na trak.

Namataan umano ng nagpapatrulyang pulis ang mga suspek na patungong Batangas at nagsagawa ng check point sa Bgry. San Roque, Batangas.

Nang sitahin ang mga suspek, agad na pinaputukan ng mga ito ang mga pulis na naging dahilan ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng apat na suspek.

Inaalam pa ng awtoridad ang mapagkakakilanlan ng mga suspek pati ang grupong kinabibilangan ng mga ito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply