4 hijackers tepok sa checkpoint sa Batangas

NASAWI ang apat na hinihinalang miyembro ng hijacking group nang makaengkuwentro ang mga pulis sa Sto. Tomas, Batangas kaninang umaga, Enero 17.

Nakilala ang dalawa sa apat na mga suspek na sina June Castillo at Roberto Rio na dati nang nakulong makaraang magnakaw umano sa isang bangko.

Nabatid na sakay ang mga suspek sa Hyundai Starex van nang makaengkuwentro ang mga police checkpoint sa Barangay San Roque.

Nagsagawa ng checkpoint makaraang alertuhin ang pulisya sa isang insidente ng hijacking sa Laguna kung saan ang isang delivery van na naglalaman ng meat products ay narekober.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply