4 kriminal patay sa parak

APAT na hinihinalang criminal nakalalakihang sakay ng motorsiklo ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Laguna at Maynila gabi ng Huwebes at madaling-araw ng Biyernes.

Nabatid na dalawang suspek na miyembro ng motorcycle-riding gang sa Laguna ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Francisco, Biñan City ngayong Biyernes.

“Ito ay maaaring mga involved sa robbery-holdup sa aming area,” ayon sa panayam kay Biñan police head Superintendent Leonard Luna sa dzBB.

“Instead na tumigil pinaharurot, so nagkaroon ng habulan,”dagdag pa nito.

Samantala, dalawa ring hinihinalang motorcycle-riding criminals ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Tondo, Maynila, gabi ng Huwebes.

Naunang nasawi ang isa habang nakikipagbarilan habang kasunod na napatay ang isa pa makaraang magtago sa isang bahay.

Nabatid na sakay ang dalawa sa motorsiklo nang magsagawa ng checkpoint ang pulisya.

Hindi umano huminto ang mga suspek bagkus ay pinaharurot ang kanilang motorsiklo na nagresulta ng habulan na humantong sa kanto ng Mabuhay at Zaragoza Streets sa Tondo kung saan nagkaroon ng palitan ng putukan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply