4 milyon Pinoys dumagsa sa Sinulog Festival

TINATAYANG umabot sa apat milyong Filipino ang dumagsa sa Cebu City para sa taunang Sinulog Festival para kay Señor Santo Niño.

Ang sinulog ay sayaw ng panalangin para sa Sto. Niño.

Nagbukas ang mga aktibidad sa pangunguna ni Cebu City Mayor Michael Rama.

Unang sumayaw ang mga contingent mula sa lungsod at probinsya ng Cebu kung saan naging lead dancer si Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

50 ang kalahok sa main competition ng Sinulog Grand Parade ngayong taon na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.

May kompetisyon din para sa float, higantes at puppeteers.

Dagsa ang mga turista sa Cebu at marami ring balik-bayan ang naki-piyesta.

Todo-higpit naman ang seguridad sa Cebu City Sports Center at sa buong 5.6 kilometers na ruta ng prusisyon.

Hindi rin nakalimutan ng marami na magsimba at magpasalamat kay Sr. Sto. Niño sa lahat ng biyayang natanggap.

Oras-oras ang misa sa Basilica del Sto. Niño habang pahaba nang pahaba ang pila ng mga gustong humalik sa imahen.

Sa Cebu sinasabing nagsimula ang Kristyanismo sa Asya kaya buhay na buhay ang pananampalataya sa probinsya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply