4-na-buwang sanggol dedo sa ‘boga’– DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng isang apat-na-buwang sanggol na lalaki dahil tinamaan ng “boga” sa kaliwang mata.

Ang boga, isang homemade na paputok, ay kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ng DOH,

Batay sa ulat ng DOH, ang hindi pinangalanang sanggol ay kaagad na isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital noong Disyembre 29, 2011 upang lapatan ng lunas matapos na aksidenteng tamaan ng pinaputok na boga.

Minalas na bawian ito nang buhay dahil sa sepsis, o impeksiyon sa dugo na hinihinalang dulot ng sugat na likha ng boga, noong Enero 1, 2012.

Ang nabanggit na sanggol ang pinakabatang biktima ng paputok na naitala ng DOH sa pagsalubong sa bagong taon.

Batay sa Surveillance Update No. 13 ng DOH, ang naturang sanggol ay kabilang sa 854 na na-injury na naitala nila mula Disyembre 21, 2011 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 2, 2012.

Mas mababa pa rin naman ang kaso ng 37 (6%) kumpara sa 891 kaso na naitala nila sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Nabatid na 823 (96.4%) sa mga nasugatan ay dulot ng paputok, 26 (3%) ay dahil sa ligaw na bala at lima (0.6%) naman ang nakalulon ng paputok.

Pinakamarami pa ring naitalang injury sa National Capital Region na umabot ng 505 (60%).

Una nang iniulat ng DOH na isang 10-taong gulang na batang lalaki na ang namatay dahil sa paputok matapos na mangolekta ito ng mga tira-tirang pulbura ng paputok at pasabugin sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply