4 na nawawala sa ComVal landslide, natagpuang buhay

APAT katao  na kabilang sa mga iniulat na nawawala sa pagguho ng lupa sa isang gold planning area sa Compostela Valley nitong nakaraang linggo ang natagpuang buhay ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Hindi naman idinetalye pa ng NDRRMC kung paano nasagip ang mag-amang sina Santos Saraum Sr., 45, Santos Saraum Jr., 18, isang alyas “Kambal,” 21-anyos, at Santos Abainza III, 16, na pawang mula sa Diat sa Napnapan Village sa Pantukan town at ang mahalaga anila ay naibalik sila sa kani-kanilang pamilya .

Sa kabilang dako, ang tatlo pang kaswalidad ay kinilalang sina Jennivie Baumbad, 19, ng Trento, Agusan del Sur, Regilyn Evangelio, 25, ng Tagum City, Michael Noquira, 22, ng General Santos City.

Sinabi ng NDRRMC na ang death toll ay nanatiling 30, habang 16 ang sugatan at 38 pa ang nawawala.

Simula pa noong 2003, mahigit sa 125 katao ag namatay sanhi ng pagguho ng lupa sa Compostela Valley. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply