4 nakalinyang kapalit ng Air Force chief

NAKATAKDA nang palitan ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III ang nakatalagang Philippine Air force chief na si Ltgen Oscar Rabena.

Subalit hanggang kanina ay tikom pa ang Malakanyang kung sino ang hihirangin na bagong PAF chief kapalit sa mababakanteng puwesto ni Rabena na miyembro ng PMA Class 78 na magreretiro sa Martes.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kanila na lamang ihahayag sa publiko ang susunod na Air Force Chief sa mismong araw ng retirement ni Rabena.

Sa ngayon aniya,  maging sila ay hindi pa rin alam kung sino ang ipapalit kay Rabena.

Kabilang sa mga napipisil na successor kay Rabena ay sina:  3rd Air Division Commander Maj. Gen. Jose Villarete;  1st Air Division Chief Maj. Gen. Ricardo Banayat; Air Staff Chief Maj. Gen. Lauro dela Cruz, at Air Training and E Command Chief Maj. Gen. Gregorio Macapagal.

Nabatid na sa Martes na  gagawin ang turn-over ceremony sa PAF leadership subalit wala pang pangalan na inilalabas ang Malakanyang.

Sinabi pa ni Valte na wala pang abiso kung sino ang napili ng Pangulong Noynoy Aquino sa shortlist.

Ayon kay Valte, hindi naman ito ang ‘first time’ dahil sa mismong turn-over ceremony na rin inianunsyo ng Pangulo ang pagkakatalaga noon kay AFP chief Jesse Dellosa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply