4 pasahero ng lumubog na bangka na nawawala sa Antique na-rescue

NAILIGTAS na ang apat na pasaherong nawawala makaraang lumubog ang kanilang sinasakyang motorized banca sa Antique.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 8 a.m. update, dinala ang naturang mga pasahero sa Brgy. Sibato, Caluya, Antique at kasalukuyang binibigyan ng paunang lunas.

Nakilala ang mga nailigtas na sina Joel Autillo, 34; Vicmar de la Cruz, 34; Junmar de la Cruz, 25; Victoria Escultor, 54

Ayon sa NDRRMC, lumubog ang bangka habang naglalayag sa pagitan ng Sibato Island at bayan ng Semirara, Antique bandang alas-9 a.m. ng Lunes.

Matagumpay namang nailigtas ang mga ito ng pinagsanib na puwersa ng grupo ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at Caluya local officials.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply