4 patay, 88,722 apektado ng pag-ulan sa Vis-Min

APAT ang naitalang namatay habang mahigit 88,000 katao naman ang naapektuhan sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Visayas at Minadanao noong nakalipas na linggo.

Ayon sa Nationa Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing bilang ng naapektuhan ay mula sa anim na probinsya ng Visayas at Minadanao.

Kinilala ng NDRRMC  ang mga nasawi na sina Valentino Lino, 48, ng Bunawan, Agusan del Sur (kinagat ng ahas); Mark Lou Millor, 30, ng Trento, Agusan del Sur (nalunod); Bernardino Elie, 17, ng San Miguel, Tagum, Davao del Norte (nalunod); Angel Mae Gallarde, 2, ng Lupon, Davao Oriental (tinangay ng malakas na agos ng tubig).

Ayon pa sa NDRRMC, ang matinding pag-ulan ay nakaapekto sa  18,570  pamilya o 88,722 tao sa 87 villages mula sa 16 lalawigan at tatlong siyudad sa anim na probinsya sa Western at Eastern Visayas, Region 11, at  Caraga.

Umaabot naman sa halagang P21,690,000 ang nasirang tulay at kalsada sa La Paz Agusan del Sur.

Umaabot naman sa P534,500 halaga ng nasirang mga bahay sa nasabi ring lalawigan kung saan 29 dito ang bahagyang nasira at 16 naman ang totally damaged.

Sa agrikultura naman ay tinatayang P12,328.050 ang nasira sa may 271 hektarya ng palayan, 171 hektarya ng maisan at 129 naman sa livestock sa La Paz, Agusan Del Sur. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply