4 sasakyan nagkarambola, 1 patay

ISA ang nasawi makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Maharlika Highway ng San Miguel sa Bato, Camarines Sur.

Nagbanggan ang isang military truck, motorsiklo, pampasaherong jeep at 10-wheeler truck na ikinasawi ng isang dispatcher ng bus na nakilalang si Alfredo Romance, 55, na nakatayo lang sa tabi ng daan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang isa sa anim ng trak ng militar na may dalang mga relief good.

Galing Maynila ang mga sundalo at patungo na sana ng Sorsogon nang mangyari ang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply