4 sugatan sa sunog sa Makati

TINATAYANG aabot sa humigit kumulang sa P200,000 ang idinulot na pinsala sa naganap na sunog kaninang umaga sa Makati City.

Samantala iniulat na nasagutan ang tatlong na residente at isang bombero sa naganap na sunog sa South Avenue, Barangay Olympia ng nabanggit na lungsod.

Kinilala ang nasugatan na sina Fire Officer 3 Wilfred dela Rosa ng Makati City Fire Department na nagkaroon ng minor burn sa kaliwang mata at kanang kamay; Florencio Gutierrez na nsugatan sa kanyang noo; Roland Catalia na nasugatan sa kanang paa; at si retired fireman Senior Fire Officer 2 Alfredo Galzote na nakatira sa malapit sa nasunugan na nagkaroon din ng minor wound.

Ayon sa ulat ang sunog ay nagsimula sa dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Gutierrez at nadamay ang katabing bahay nito.

Umabot sa pitong pamilay ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog na tumagal ng kalahating oras. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply