4 carjackers todas sa parak sa Bulacan

PATAY ang apat na hinihinalang carjacker sa engkwentro sa mga pulis at elemento ng Highway Patrol Group (HPG) sa Meycauyan, Bulacan kaninang madaling-araw, Enero 26.

Nabatid na mag-aalas 2:00 ng madaling araw nang makatanggap ang pulisya ng tawag hinggil sa kahina-hinalang grupo ng mga lalaki na nagpapalit ng plaka ng sasakyan sa Moralla Park sakop ng Barangay Perez.

Agad itong pinuntahan ng mga pulis at nang sisitahin ang mga suspek, agad nagpaputok na nauwi sa engkwentro.

Nabatid pa na may mga ID na nakuha sa Isuzu D-Max na gamit ng mga suspek kabilang ang isang may apelyidong Salamat, na dati nang nadadawit sa Dominguez group na  nasa likod naman ng mga serye ng carnapping at carjacking sa iba’t ibang panig ng Bulacan.

Nang iberipika ng mga miyembro ng Task force Limbas, nadiskubreng nakaalarma ang plakang nakakabit sa Isuzu D-Max na may plakang NOA-153 gayundin ang isa pang plaka na nakuha sa loob ng sasakyan na NHI-625.

Inaalam na ng Meycauayan Police kung kabilang sa Dominguez Carnapping Syndicate ang apat na napatay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply