4 todas sa namaril na lasing

PATAY ang apat katao kabilang ang isang mag-asawang may-ari ng sari-sari store  nang pagbabarilin ng isang lalaking lumalaklak ng alak sa kanilang tindahan sa Camarines Norte kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Senior Supt. Joselito Esquivel, police director ng Camarines Norte, na dead on the spot sanhi ng timanong tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa katawan ang mag-asawang sina Roger at Rosita Dino ng Barangay Gumamela sa Labo, Camarines Norte.

Dead on arrival naman sa Camarines Norte Provincial Hospital sanhi rin ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan ang iba pang biktima na sina Garry, bayaw ni Roger, at isang Efren Reyes, 29, na nagkataong naka-istambay sa tindahan ng mag-asawang Dino.

Hinahanting naman ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspect na si Archie Abuyo ng Barangay Pinya.

Sa ulat na nakaratng sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa loob mismo ng tindahan ng mag-asawa.

Bago ito, nabatid kay Esquivel na umiinom ang suspect at isang hindi nakikilalang kasama sa tindahan ng mag-asawang Dino at nang makarami na ay siningil ni Rosita sa kanilang nakonsumong bote ng serbesa.

Imbes naman magbayad, nainis ang suspect at sa gitna ng sagutan ay bumunot ito ng kanyang baril at saka pinagbabaril ang mag-asawang Dino.

Hindi pa nakuntento, binaril din ng lasing na lasing na suspect sina Gary at Efren bago ito tumakas. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply