40% ibinaba ng Pinoy nurse na gustong magtrabaho sa US

BUMAGSAK na sa mahigit na 40% ang bilang ng mga Pinoy nurse na naghahanap ng trabaho sa Amerika.

Batay sa ginawang pag-aaral ng America’s National Council of State Boards, sinasabing dumagsa na ang bilang ng mga Amerikanong nurse dahilan para mabawasan ang oportunidad para sa mga Pinoy nurses.

Ayon naman kay LPGMA Representative Arnel Ty, mula sa mahigit siyam na libo noong 2010 ay humigit kumulang limang libo na lamang na nursing board passers ang naglalakas-loob na sumubok magtrabaho sa Amerika.

Nakikita umano niyang dahilan ay ang mababang demand sa foreign nurses ng Amerika at sa pag-usbong ng malaking bilang ng educated nurses sa nasabing bansa.

Sa kasalukuyan ay papalo sa humigit kumulang 300,000 mga Pinoy nurses ang walang trabaho ayon sa taya ng Professional Regulation Commission. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply