400 Pinoy ililikas mula sa Syria

NAG-ABISO na rin sa embahada ng Pilipinas ang may 400 pang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Syria upang mapabilang sa repatriation.

Base sa ulat ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario mula sa Syria, inaasahang darating ang 200 OFW sa loob ng dalawang linggo habang susunod naman ang 200 iba pa.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nahirapan itong matunton kung saan-saan nagtratrabaho ang mga Pinoy sa nasabing bansa kung saan karamihan sa kanila ay mga undocumented o walang mga legal na papeles dahil pumasok sila bilang turista sa nasabing bansa.

Gayunman, nakipagpulong na si Del Rosario sa kanyang counterpart sa foreign ministry ng Syria at tiniyak na tutulungan ang Pilipinas sa pagtunton at pagbibigay ng datos sa mga undocumented na mga OFW.

Batay sa record ng DFA, umaabot lamang sa 4,000 mga Filipino ang may listahan sa DFA at ang 1,000 mga Pinoy roon ay nagtratrabaho sa apat na magulong lugar sa Syria.

Nangako na rin ang Immigration office sa Syria na magbibigay ng assistance sa mga undocumented OFW.

Kaugnay nito, mananawagan na rin ang DFA sa mga media entities sa Syria upang ipabatid sa mga OFW ang programa ng pamahalaan ng Pilipinas para sa kanilang mandatory repatriation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply