5 Hong Kong national arestado sa shabu lab

LIMANG Hong Kong national ang naaresto sa pagsalakay kaninang umaga ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis sa posh Ayala Alabang.

Sa inisyal na report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. sinalakay ng mga operatiba ng PDEA at SPD ang bahay na nasa 504 St., Acacia Ave., Ayala Alabang, Muntinlupa City bandang alas 6:25 ng umaga.

Nabatid na pinasok ng awtoridad ang isang shabu laboratory na pinapatakbo ng banyagang Chinese nationals sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni Executive Judge Dela Cruz ng Manila Regional Trial Court Br. 22.

Sa nasabing pagsalakay ay limang katao ang dinakip at apat dito ay Hong Kong nationals.

Nakuha sa shabu lab ang ilang plastic container drums na naglalaman ng chemical precursors o mga sangkap sa paggawa ng droga, kagamitan sa laboratory at  glass container na naglalaman ng shabu.

Dumating mismo sina PDEA Dir, Gen Jose Gutierrez, Muntinlupa Mayor San Pedro, Brgy Ayala Alabang Vill. Chairman Alfred Burgos, P/Supt. Ramiro Bausa at Prosecutor Donnabelle Gonzales, upang personal na pangasiwaan ang pagsalakay at pag-iimbentaryo sa mga nasamsam na katibayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply