5 petisyon para ipahinto ang impeachment trial tatalakayin ng SC

TATALAKAYIN ng Supreme Court (SC) en banc ang limang petisyon na humihiling na ipahinto ang impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona ngayong araw.

Sinabi ni SC Spokesperson at Court Administrator Midas Marquez, na ilan sa mga maaaring gawin ng en banc ay magpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang pansamantalang ipahinto ang paglilits kay Corona, pag-isahin ang limang petisyon, hingan ng komento ang respondents, o kaya ay magtakda ng oral argument.

Ayon pa kay Marquez, hindi makikisali sa talakayan ng naturang mga petisyon si Corona dahil nag-inhibit na ito.

Ang mga naghain ng petisyon upang ipahinto ang impeachment trial ay sina dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Vicente Millora at mga abogadong sina Atty. Danilo Lihay-Lihay, Atty. Homobono Adaza, Atty. Vladimir Cabigao, Atty. Oliver Lozano at Atty. Allan Paguia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply