5 preso nakapuga sa Navotas City Jail

NAKAPUGA ang limang preso mula sa Navotas City Jail kahapon ng madaling araw (Enero 23).

Nakilala ang mga nakatakas na sina Mark Anthony Austria; Lito Labongray at Jaryl Salvador na may kasong illegal possession of firearm; Narciso Disipulo na may kasong drug pushing; at Alejandro Alex na may kasong robbery.

Sa naantalang ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang makatakas ang lima mula sa selda 3 sa nabanggit na kulungan sa M. Naval St., Sipac ng lungsod.

Iniimbestigahan na ngayon kung papaanong nakapuga ang lima at kung may pagkukulang ang mga nagbabantay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply