5 pulis sinibak sa palpak na operasyon

SINIBAK sa tungkulin ang limang pulis matapos silang ireklamo kaugany sa palpak nilang operasyon sa bahay ng isang mag-asawa sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ang mga sinibak sa tungkulin ay sina C/Insp. Rolando Osias, nagsilbing head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Ilocos Sur, SPO3 Blas Permisa, SPO1 Roger Valdez, PO3 Rolando Marinas at PO2 Melvin Raqueño, na pawang mga non-commissioned officers.

Ayon sa National Police Commission (Napolcom), ang pagkakasipa sa serbisyo ng mga nabanggit na pulis ay bunsod umano sa palpak nilang raid sa bahay ng mag-asawang sina Eric at Marites Comiso ng Barangay San Antonio, Narvacan, noong Enero 22, 2003.

Nabatid na nagsagawa ng search and operation ang CIDG kung saan nakumpiskahan ang mag-asawa ng mga malalakas na kalibre ng baril at maraming bala.

Nang ito ay iberipika, napag-alamang lisensydao ang lahat ng mga armas na nareklober ng mga awtoridad.

Dahil dito, personal na nagreklamo at nagsampa ng kaso ang mag-asawa laban sa mga sinibak na pulis.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong conduct unbecoming police officer, falsification of public documents, dishonesty, grave misconduct at oppression na nakapaloob sa administrative case na isinampa ng mga complainant.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply