6-anyos na paslit todas sa dyip

NAMATAY agad ang anim-na-taon (6) gulang na batang lalaki matapos na masagasaan ng isang pampasaherong dyip habang ang una ay sakay ng kanyang bagong plastic toy car sa Bagong Silang Caloocan City Lunes ng gabi (Enero 2).

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktima na kinilala na si Geraine Cobarubias y Tria at taga-Block 13, Lot 6, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang suspek na si Joel Laconsay y Acojeco, 28, binata, drayber ng pampasaherong dyip (TXG-297), taga-Blk 98, Lot 12 Bagong Silang Caloocan at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:30 ng gabi sa kahabaan ng main road sa may Phase 2 ng nasabing lugar.

Nabatid na naglalaro at nakasakay ang biktima sa bagong biling toy car ng kanyang mga magulang. Tumawid ang bata sa nasabing kalsada at nahagip siya ng dyip na dala-dala naman ng suspek.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang paslit na biktima sa kalsada at napuruhan ang ulo.

Naisugod pa ang bata sa nasabing pagamutan subalil sa tindi ng pinsala ay binawian din ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply