6 buwan itatagal ng impeachment trial vs Corona

POSIBLENG tumagal mula tatlo hanggang anim na buwan ang paglilitis ng Impeachment Court kay Chief Justice Renato Corona, ayon kay Senate minority leader Alan Peter Cayetano.

Sa press conference, matapos ang kanyang post holiday party, sinabi ni Cayetano na dapat maramdaman ng mamamayan na kumikilos ang kanilang gobyerno sa pamamagitan ng paglilitis ngunit kailangan din na kasabay ng paglilitis ang paghahatid ng pangunahing serbisyo.

“I can predict that it is possible that we will spend the next 6 months or 3 months or 4 months being consumed with the impeachment trial. So it is very important that our countrymen feel that their government is fully-functional and that programs and projects are being pushed even if the Senate is busy with the impeachment,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na nakasalang ngayon sa “paglilitis” ang tatlong sangay ng pamahalaan kaya kailangan din naman na magkaroon ng multi-tasking ang paghahatid ng ipinangakong reporma kahit nauubos ang panahon ng pamahalaan sa paglilitis kay Corona.

Kasabay nito, hinamon din ni Cayetano ang Korte Suprema na kahit nililitis ang punong mahistrado, dapat isulong din ang kaukulang reforma sa Hudikatura at mas mabilis.

Aniya, isasalang ngayon ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang Hudikatura, ang Lehislatura at Ekhekutibo, kapag nagsimula ang impeachment trial sa Enero 16, 2012.

“Can we multi task and bring in the reforms and projects needed to be done by the  government while we’re doing your constitutional duty of check and balances through an impeachment trial?” tanong niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply