6 na miyembro ng NPA utas sa engkuwentro

NALAGAS sa 30-minutong bakbakan ang anim na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang bulagain nila habang nagkakasa ng security operation ang tropa ng sundalo sa Compostela Valley kagabi (Enero 16).

Sinabi ni Col. Roberto Domines ng Army’s 1001st Brigade na may 20 hanggang 30 bilang ng mga rebelde na lulan sa isang civilian dump track ang umatake sa mga sundalong nagkakasa ng security operation sa Mawab town kahapon.

Ayon naman kay Eastern Mindanao Command spokesperson Col. Leopoldo Galon, ang tropa ay humugot ng depensiba sa isang civilian tipster na nagbunyag na sisilaban ng mga rebelde ang pasilidad ng isang local banana plantation sa lugar.

Makaplias ang halos kalahating oras na bakbakan ay umatras ang mga rebelde at iniwan ang kanilang namatay na mga kasamahan.

Narekober sa mga rebelde ang limang high powered firearms tulad ng 2 M16 Armalite rifles, 2 M14 rifles at isang M19 cal. 30 machinegun, na iminolde sa ibabaw ng dump truck.

Wala namang nasaktang sundalo sa palitan ng putok.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply