6 sundalo todas sa pag-atake ng NPA

KIDAPAWAN City — Patay sa serye ng pag-atake ang anim na sundalo habang 16 naman na iba pa ang sugatan nang ratraratin  ng mga miyembro ng New People’s Army sa Bukidnon, ayon sa ulat ng NPA spokesman.

Sa isang press statement nitong Biyernes ng hapon (Enero 20), sinabi ni Rigoberto Sanchez, spokesperson ng Merardo Arce Command ng NPA, nalagasan nang husto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang magkahiwalay na pag-atake na ikinasa ng mga gerilya sa Kitaotao town.

Sinabi rin ni Sanchez na tinangkang ikubli ng AFP ang malagim na pangyayari na kanilang sinapit sa kamay ng mga rebelde dahil na rin marahil sa matinding kahihiyan.

Samantala, sa pahayag naman ng 10th Infantry Division, apat lamang sa kanilang panig ang naging kaswalidad sa ikinasang pag-atake ng dalawang NPA fronts na naka-base sa probinsya ng North Cotabato, Bukidnon, at Davao del Sur sa Northern at Southern Mindanao regions.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang tinambangan ng mga rebelde ang isang pribadong behikulo na may lulan na mga sundalo mula sa 23rd Infantry Battalion sa highway ng Barangay Sinuda, Kitaotao, pahayag ni Sanchez.

Dalawa sa mga sundalo ang dead on the spot, habang ang apat naman ay malubhang nasugatan, dagdag pa nito.

Tatlong oras ang nakalipas, tinambangan din ng mga rebelde na kasapi sa Front 53 ang isang convoy ng 8th Infantry Battalion sa isang kalsada sa Barangay Palakapaw, sa Kitaotao rin.

Nagkasa ang mga rebelde ng isang command-detonated explosive na pinasabog ang military vehicle, na ikinamatay ng 4 sundalo habang 12 naman ang nasugatan, ayon sa pahayag ng NPA.

ILang oras naman pagkatapos ng pagatake, nagkasa ang NPA ng isang roadblock ng hanggang alas-2:00 ng hapon sa parehong araw, habang nagkasa naman ang AFP ng air at ground reinforcement sa regional headquarters sa Davao City.

Nagpadala ang AFP ng dalawang Huey helicopter at dalawang bomber plane para sagipin ang mga sundalong inaatake. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply