60-40 deal ni Mayweather ibinasura ni Pacman

NANINDIGAN ang kampo ni Manny Pacquiao na patas lamang ang inilalatag nilang 50/50 deal sa panig ni Floyd Mayweather at ayaw nila ng 60-40 dahil madedehado ang pambansang kamao.

Ang bagong proposal ng kampo ni Mayweather ay ibinasura na rin ni Pacquiao.

Ayaw pumayag ng Team Pacquiao na mas malaki ang kikitain ni Mayweather kaya nanganganib na gumuho nang tuluyan ang negosasyon.

Nakatutok na rin ang kampo ni Mayweather kay Miguel Cotto.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, mas maigi sana kung pantay ang premyo ngunit dahil sa ayaw ni Mayweather ng ganito ay malabong maisakatuparan ang laban.

Lalaban umano si Mayweather kay Pacquiao kung 60-40 ang hatian pabor sa kanya, bagay na ayaw ni Pacquiao.

“Naniniwala pa rin ako na reasonable ang 50/50 na hinihingi ko,” sabi ni Pacquiao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply