70 tigok, 400 kritikal sa pekeng gamot sa Pakistan

LAHORE CITY, PAKISTAN – Patay ang 70 katao habang 400 ang nasa kritikal na kondisyon matapos na lumaklak ng pekeng gamot sa puso sa Pakistan.

Sa ulat ng mga health official sa Pakistan, ginagamot pa ang 400 biktima na may malubhang kondisyon sa ospital.

Ayon sa ulat, sinasabing libreng ipinamahagi ng tatlong local drug company ang naturang mga gamot sa puso para sa mga mahihirap.

Dahil libre, halos lahat ng mga residente sa lugar ay pumila sa health centers para makakuha ng naturang gamot.

Pero ilang sandali lamang ang nakalipas ay nakaramdam na ang mga biktima ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo kaya isinugod agad sila sa iba’t ibag ospital.

Pero hindi naagapan ang pagkalat ng epekto ng nasabing gamot kaya namatay agad ang mga residenteng uminom nito.

Sa ngayon ay inaresto na ang mga may-ari ng tatlong local drugs companies na inaakusahang nag-suplay ng mga kontaminadong gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply