77-anyos na lola kinatay ng apo sa Capiz

PINANINIWALAANG sinumpong na naman ng sakit sa pag-iisip kaya pinagsasasaksak ng isang binata ang kanyang sariling lola sa Capiz Martes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng timanong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Lolita Letonio, 77-anyos ng Pangpang Norte, Mambusao.

Ikinulong muna sa Mambusao police detention cell ang suspek na si Rene Plema, 26-anyos pero ibabalik din ito sa isang mental institution para masuri ang sakit.

Ayon kay Insp. Samuel Vipinosa, hepe ng Mambusao police station, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa kuwarto ng biktima.

Bago ito, nabatid na hinatiran pa ng biktima ng pagkain ang kanyang apo na posibleng sinumpong ng sakit kaya nagawang paslangin ang biktima.

Naulinigan naman ng mga kapitbahay ang komosyon kaya dali-dali nilang sinilip ang bahay ng maglola at nakita nilang nakahandusay na sa sahig ang matandang babae at naliligo sa sariling dugo.

Agad na inireport ng mga kapitbahay ang nasaksihan sa pulisya na nagresulta sa pagkadakip kay Plema.

Ayon kay Vipinosa, napag-alaman nilang halos isang buwan na mula nang makalabas sa mental hospital ang suspek na may rekord na rin ng pananakit sa ibang tao.

Nabatid din, na ang maglola lamang ang nasa kanilang bahay nang maganap ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply