8 buwan buntis, 1 pa utas sa pagsabog sa Capiz

PATAY ang dalawa katao kabilang ang walong buwan na buntis, habang dalawa pa ang sugatan sa pagsabog ng granada sa loob mismo ng isang tahanan sa Barangay Libo-o, Mambusao, Capiz.

Kaagad binawian ng buhay si Nerissa Labado, habang namatay sa ospital ang buntis na si Richell Marquez.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang mga sugatan na sina Marinel Marquez, 19, at Maria Sangones.

Nabatid na hinagis ang granada sa silong ng bahay na natapat sa mismong silid kung saan magkakasamang natutulog ang mga biktima na magkamag-anak.

Nakaligtas naman sa pagsabog si Mrs. Nemia Marquez, ina ng buntis, dahil sa kusina ito natulog.

Narekober ng awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang safety pin ng hindi pa natutukoy na uri ng granada.

Patuloy namang inaalam ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply