8 tiklo sa video karera sa Maynila

WALO katao ang dinakip matapos salakayin ng mga tauhan ng Manila City Hall Police Assistance (CHAPA) ang dalawang bahay na nag-o-operate ng video karera (VK) sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga inaresto na sina Ricky Lauzon, 32; Renato delos Trinos, 44; Renato Emmanuel, 35; Abelardo Lumanlan,42 na  huli sa aktong naglalaro ng VK sa No. 1922 Obesis St. Pandacan, Manila at sina Lezel Quizmoro, 40; Christopher Bonete, 26; Edward Zapeda, 28 na mga nadakip naman sa no. 1918 Obesis St. Pandacan, Maynila.

Sa report ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng CHAPA at concurrent ng General Assignment Section ng Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng reklamo na laganap ang iligal na sugal sa lugar na mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod.

Agad na pinakalat ni Reyes ang kanyang mga tauhan dalawang nabanggit na kalye.

Dito ay naaktuhang naglalaro ng VK ang pito kung saan nakuha din ang mga barya (P1 coin) na ginagamit sa nasabing iligal na laro.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating ang isang Raquel Quizmoro kung saan pilit na kinukuha si Lezel Quizmoro.

Pinayuhan at binalaan ni Reyes si Raquel na hindi maaaring palayain si Lezel dahil nahuli ito sa aktong naglalaro ng VK na lalong ikinagalit ni Raquel. Dito na din inutos ni Reyes ang paghuli kay Racquel.

Ang pito ay kakasuhan ng PD 1602 o illegal gambling habang si Raquel ay kakasuhan ng Disobedience to Lawful Order.

Nakapiit na ngayon ang mga nadakip sa Manila City Hall detention cell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply