80 wheelchair pambata binigay ng JPN sa PHL

PORMAL na ibinigay ng pamahalaan ng Japan ang 80 refurbished na wheelchair sa pamahalaan ng Pilipinas para magamit ng mga batang may kapansanan.

Pinangunahan ng Japanese Embassy Economic Affairs Minister Akio Isomata ang turnover rites sa Jesus V. del Rosario Foundation sa Makati City ng 80 wheelchair na nakalap sa Japan ng “The Volunteers Group to Send Wheelchairs to Overseas Children.” Ang mga wheelchair ay ipinagkaloob sa limang pasilidad para sa mga bata na may kapansanan sa Metro Manila.

Naging saksi sa programa ang regional director ng DSWD na si Wilma Naviamos, si Tomoyuki Katano ng “The Volunteers Group to Send Wheelchairs to Overseas Children”  at mga opisyal ng JVR Foundation, partner Philippine NGO ng Japanese NGO.

Ayon pa sa embahada ng Japan, ang mga wheelchair para sa mga bata ay napakamahal at hirap ang mga pasilidad na magkaroon ng mga ito. Kaya’t napipilitan na gamitin na lamang ang mga wheelchair na para sa matatanda.

Pinondohan ng pamahalaan ng Japan ang gastos sa pagpapa-ayos ng mga wheelchair maging ang transportasyon ng mga ito para sa Grant Assistance for Japanese NGO projects na nagkakahalaga ng Y801,180 o P400,000.

Nagsimula ang Grant Assistance ng Japan sa mga Japanese NGO projects noong 2002. Simula noon ay nakapaglabas na ang pamahalaan ng Japan ng P1.65 milyon para sa 27 proyekto sa Pilipinas.

Naniniwala ang Japan na ang proyekto ay magpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Japan at ng Pilipinas at sa mga kasalukuyang strategic partnership sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply