800kls kontaminadong karne kinumpiska sa Mandaluyong, Taguig

TINATAYANG 800 kilo na hinihinalang kontaminadong karne ang kinumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa isang palengke sa Mandaluyong at Taguig kaninang madaling-araw, Enero 18.

Nabatid na bandang alas- 4:00 kaninang madaling-araw nang salakayin ng NMIS ang palengke sa Bicutan, target ang mga ibinebentang karne kung saan inabutan nilang wala sa tamang lalagyan at wala rin sa freezer ang nasa 130 kilo ng karneng manok, baboy, baka at processed meat.

Kasunod na sinalay ang palengke ng Kalentong at nasabat ang tinatayang 650 kilo ng assorted meat.

Nilinaw ng NMIS na may sapat namang papeles ang mga nagtitinda pero mali pa rin ang paraan ng pag-iimbak at paghawak sa mga ibinebentang karne.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply