83 pamilya sapilitang inilikas sa ComVal

SAPILITANG inilikas ang ay 83 pamilya mula sa landslide-prone na mga lugar sa Compostela Valley.

Ang mga inilikas na residente ay pansamantalang inilipat sa bayan ng Pantukan.

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagtalaga na rin sila ng mga tauhan sa lugar upang matiyak na hindi babalik ang mga ito sa kanilang mga bahay.

Umabot na sa 42 katao na ang namatay sa landslide prone habang mahigit 40 pa ang patuloy na pinaghahanap matapos gumuho ang lupa sa isang gold panning community sa Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan noong Enero 4. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply