9-anyos aksidenteng binoga ng binatilyo

PATAWIRIN ngayon ang 9-anyos na batang babae makaraang aksidenteng mabaril ng boga na may balang holen ng kanilang 13-anyos na kapitbahay sa Sitio Bugtong Bukid, Poblacion Sebaste, Antique.

Nabatid na isinugod sa Aklan Provincial Hospital si “Lesley”, residente ng naturang lugar habang ang suspek na nakabaril ay hindi muna pinangalanan ng pulisya at nasa kustodiya ngayon ng DSWD.

Base sa impormasyon, bibili sana sa tindahan ng nanay ng suspek ang biktima kung saan kinulit ito ng binatilyo at binirong babarilin.

Kasunod nito, aksidenteng pumutok ang dalang boga na may balang holen na ipinambabaril nito ng ibon hanggang sa tamaan ang biktima sa kanyang ulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply