91 iligal na troso nakumpiska sa Capiz

TINATAYANG 91 iligal na troso na karga ng isang jeep ang nasamsam ng mga pulis sa Ivisan, lalawigan ng Capiz.

Nabatid na nagsasagawa ng visibility patrol ang grupo ni SPO2 Gilbert Quiatchon sa Poblacion Norte, Ivisan nang makita ang jeep na minamaneho ni Jonie Catubuan ng Barangay Lonoy, Roxas City na may karga na mga square logs.

Pinahinto at hinanap dito ang permit to transport mula sa DENR ngunit wala itong maipakita dahilan upang ikulong ito kasama na ang pahinante nito habang kinumpiska naman ang mga kahoy na mahogany at gemilina.

Napag-alaman na umaabot sa 900 board feet ang nasabat na mga kahoy sa jeep na pagmamay-ari umano ni Lilibeth Catubuan.

Samantala inamin naman ni Jonard Isico ng Barangay Mianay, Sigma, Capiz na sa kanya galing ang naturang mga kahoy.

Hindi na raw ito kumuha ng permit to transport sa DENR sa pag-aakalang muling makakalusot sa ikatlong pagkakataon.

Haharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines si Isico.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply