9M deboto daragsa sa pista ng Black Nazarene

INAASAHAN na ng Manila Police District (MPD) na aabot sa walo hanggang siyam na milyong deboto ang dadagsa sa pista ng Quiapo sa Enero 9.

Sinabi ni MPD Spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo na magdaragdag sila ng mga tauhan na aabot sa 2,500 para magbigay ng seguridad.

Ayon kay Margarejo, umabot sa pitong milyon ang mga deboto ng Black Nazarene noong nakaraang taon kung saan 30 ang nasugatan habang tatlong mandurukot ang naaresto.

Panawagan ni Margarejo sa mga matatanda at mga bata na kung hindi maiiwasang sumama sa prusisyon, pumwesto sa gilid nang maiwasan ang disgrasya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply