Abalos, abogado nito haharap sa Pasay RTC

NAKATAKDANG sagutin bukas (Enero 8) ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos at ng kanyang abogado ang kautusan mula sa Pasay City Regional Trial Court kaugnay sa ipinalabas nito na contempt of court laban sa kanila.

Napag alaman na sina Abalos at Atty. Brigido Dulay ay pinagbabayad ng tig-P2,000 multa at pagkakakulong ng 10-araw ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng branch 112 bunga ng kasong contempt of court na nag-ugat sa pagdadawit ng dating Comelec chairman sa hukom sa umano’y pangingikil sa kanila ng dalawang abogado na nagpakilala umanong emisaryo ni Mupas.

Haharap sina Abalos at Atty. Dulay sa sala ni Judge Mupas dakong alas-8:30 ng umaga upang sagutin ang naunang ipinalabas na kautusan na i-contempt ang dalawa matapos mag-init ang ulo ng hukom nang ibunyag ng dating Comelec chairman ang tangkang pangingikil sa kanya ng P100 milyong piso ng dalawang abogado na nagpakilalang emisaryo ni Judge Mupas kapalit ng pagbasura sa kasong electoral sabotage na kinakaharap nito.

Nauna nang kinumpirma ng process server ng branch 112 na si Jun Cuerdo ang paglalabas ng kautusan ni Mupas na mai-contempt sina Abalos at Dulay na nilagdaan noon pang Disyembre 22 at naipadala sa dalawa noong Disyembre 27 ngunit  noong araw ng Huwebes (Enero 5) ng umaga lamang natanggap ni Atty. Dulay ang kautusan ng korte kung saan binigyan siya ng 15 araw para sagutin.

Maging si Abalos ay noong araw naman ng Martes niya natanggap ang naturang kautusan kaya’t maghahain na lamang sila ng motion for reconsideration.

Napag-alaman na bukas din nakatakda ang pagdinig sa korte ng mga mosyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal- Arroyo kaugnay sa kanilang kinakaharap na kasong electoral sabotage.

Magugunitang naghain ng motion si Arroyo na payagang magkapag-piyansa kaugnay sa kanyang kasong electoral sabotage habang si Abalos naman ay tatlong mosyon ang kanyang inihain kabilang ang motion to house arrest, bail at motion to inhibit. Jay Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply