Abalos, abogado nito ipinaaaresto

BAGAMA’T nakakulong na sa Southern Police District detention cell, naglabas na ngayon ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court para sa pag-aresto kay ex-Comelec chairman Benjamin Abalos at abogado nito.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Pasay City RTC branch 112 Judge Jesus Mupas kaugnay sa kasong contempt na ipinataw laban kay Abalos at Atty. Brigido Dulay.

Ang warrant of arrest ay nilagdaan ni Pasay City Clerk of Court Joel Pelicano at nakatakdang i-serve ni Sheriff Rodelio Bienviaje ar Pasay Police National Police (PNP)

Batay sa nakasaad sa warrant of arrest, si Atty. Dulat at Abalos ay makukulong ng 10 araw at pinagmumulta ng P2,000 kaugnay sa kinakaharap na kasong copntempt.

Ang kasong contempt laban kay Abalos at Atty. Dulay ay bunga ng pag-akusa ng mga ito kay Judge Mupas ng pangingikil ng mahigit sa P100 milyon para sa pagpabor sa dating Comelec chairman. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply